Las Piñas LGU nagsagawa ng auxiliary feeding program para sa 600 na bata

Las Piñas LGU nagsagawa ng auxiliary feeding program para sa 600 na bata

Aabot sa 600 na bata ang nabenepisyuhan sa auxiliary feeding program ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas sa Christ the King, Barangay Talon Kuatro sa lungsod.

Ang naturang programa ay sa inisyatibo nina Mayor Imelda T. Aguilar, Vice Mayor April Aguilar at ng City Council na naglalayong maghandog ng masusustansiyang pagkain sa mga bata sa lungsod.

Naghanda ang mga Nutritionist-Dietitians at Barangay Nutrition Scholars ng masustansiyang arrozcaldo na may nilagang itlog at bottled water para sa mga bata kasama ang kanilang magulang.

Sa pamamagitan ng Kusina ng Las Piñas food truck, pinangasiwaan ni City Nutrition Office OIC/ City Nutrition Action Officer Dr. Julio P. Javier II sa kooperasyon ng Brgy. Talon Kuatro, Nutrition Committee Chairman Brgy. Capt. Lawrence Philip Roco, Brgy. Nutrition Action Officer, Kag. Mercidita Cosme, mga Brgy. staff at ng health workers ang pamamahagi ng pagkain sa mga bata sa naturang barangay.

Ito ay bahagi pa rin ng pagkalinga ng lokal na pamahalaan sa mga residente sa lungsod. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *