Taas-singil sa pasahe sa LRT-1 at LRT-2 itutuloy na

Taas-singil sa pasahe sa LRT-1 at LRT-2 itutuloy na

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang nakatakdang pagpapatupad ng taas-singil sa pasahe sa Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2.

Inaprubahan ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang pagpapatupad ng fare adjustment.

Noong June 13, nakipagpulong si Bautista kina Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera at Light Rail Manila Corporation (LRMC) President at Chief Executive Officer Juan Alfonso upang ipabatid sa kanila ang pasya hinggil sa inaprubahang fare increase.

Sa cabinet meeting sa Malakanyang sinabi ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na lumalaki at sumisigla ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, sa pamamagitan ng ipatutupad na fare adjustment ay inaasahang mas mapagbubuti pa ang serbisyo, amenities, at technical capacities ng LRT-1 at LRT-2.

Una nang inaprubahan ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng DOTr ang petisyon na layong taasan ang train boarding fee ng P2.29 at dagdag na 21 centavos sa bawat kilometro ang pamasahe sa LRT-1 at LRT-2.

Dahil dito ang minimum boarding fee na dalawang linya ay magiging P13.29 mula sa kasalukuyang P11 at P1.21 ang singil per kilometer mula sa kasalukuyang P1.

Ipatutupad ang taas-singil sa August 2, 2023.

Una ng ipinagpaliban ang nasabing taas-singil sa pasahe noong April 11 base sa direktiba ni Pangulong Marcos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *