Balut Island sa Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng pagyanig ay naitala sa layong 452 kilometers southeast ng Balut Island, Sarangani, 5:16 ng umaga ng Martes (June. 20).
May lalim na 188 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs posibleng makapagtala ng aftershocks bunsod ng nasabing lindol. (DDC)