Senado nagdaos ng necrological service para sa yumaong si dating senador Pong Biazon
Nagdaos ng necrological service ang Senado para kay dating senador at Armef Forces chief of staff Rodolfo “Pong” Biazon.
Si Biazon ay pumanaw noong June 12 sa edad na 88.
Dumalo sa idinaos na necrological service para kay Biazon sina dating Senate presidents Franklin Drilon at Vicente Sotto III.
Binigyan din ng departure honors si Biazon. (DDC)