BRP Andres Bonifacio nasa Albay para magkaloob ng malinis na tubig sa mga apektadong residente
Nasa Albay ngayon ang BRP Andres Bonifacio ng Philippine Navy para tumulong sa pagtugon sa mga nasalanta ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ang BRP Andres Bonifacio ay naka-angkla sa Albay Gulf at handang magbigay ng tulong kabilang ang pagsiguro ng sapat na suplay ng tubig sa mga evacuation centers.
Ang BRP Bonifacio ay mayroong desalination systems na kayang i-convert ang saltwater sa freshwater.
Makatutulong ito sa mga lugar na walang access sa malinis na tubig dahil sa epekto ng kalamidad. (DDC)