Sunog sa barko sa Bohol naideklara ng fire out

Sunog sa barko sa Bohol naideklara ng fire out

Naideklara ng fireout ang sunog na naganap sa isang barko sa Panglao, Bohol.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) District Central Visayas, nananatili pa ang BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) at BRP Malamawi (FPB-2403) sa katubigan ng Panglao, Bohol, para patuloy na mabantayan ang lagay ng nasunog na passenger-cargo vessel na MV ESPERANZA STAR.

Pagkatapos ng insidente ay magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nangyari.

Ayon sa PCG, ligtas ang lahat ng 78 pasahero at 59 na crew ng barko.

Ang mga nailigtas na sakay ng barko ay pawang nadala sa pangangalaga ng Bohol Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Kho Shipping Lines representatives.

Ligtas naman ang lahat ng sakay ng barko matapos na maisailalim sa medical check-up. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *