Diocese ng Dumaguete nagpalabas ng decree hinggil sa tamang hand gesture sa pagdarasal ng “Ama Namin” sa misa
Nagpalabas ng decree ang Diocese of Dumaguete hindil sa tamang hand gesture habang dinarasal ang Lord’s Prayer o Ama Namin kapag may misa.
Ang circular letter na ipinadala sa lahat ng simbahan na sakop ng diocese ay nilagdaan ni Bishop Julito Cortes.
Ayon sa circular letter, mayroong kalituhan hinggil sa tamang hand posture kapag dinarasal na ang “Ama Namin” sa misa.
Dahil dito sinabi ni Crotes na ang mga dumadalo ng misa ay pinayuhang pagdaupin ang kanilang kamay kapag kumakanta o nagdarasal ng Ama Namin.
Epektibo ang kautusan, June 16, 2023 para sa mga dumadalo sa misa sa mga simbahang sakop ng diocese. (DDC)