Surigao del Norte niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 61 kilometers northeast ng bayan ng Burgos, 1:33 ng madaling araw ng June 19.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 25 kilometers.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity III
– Hinunangan, SOUTHERN LEYTE
Intensity II
– Surigao City, SURIGAO DEL NORTE
Intensity I
– Dulag, LEYTE
– Borongan City and Quinapondan, EASTERN SAMAR
Ayon sa Phivolcs, posibleng makaranas ng aftershocks dahil sa nasabing lindol. (DDC)