Makatizen hati sa isyu ng territorial dispute; ilang residente nanawagang irespeto ang desisyon ng Korte Suprema

Makatizen hati sa isyu ng territorial dispute; ilang residente nanawagang irespeto ang desisyon ng Korte Suprema

Magkakaiba ang opinyon ng mga residente ng Makati City na maaapektuhan ng desisyon ng Korte Suprema sa territorial dispute sa pagitan ng nasabing lungsod at ng Taguig City.

Sa isinagawang “Boses ng Kalye Serye” ng Rappler, ilang residente ng Makati ang tinanong hinggil sa kanilang sentinyemto sa naging desisyon ng Korte Suprema.

Ilang residente ang nanindigang manatili sila sa ilalim ng pamahalaan ng Makati lalo at doon na sila nanirahan simula nang isilang.

Ilang residente din ang nagsabing pabor silang mabago ang kanilang pamahalaan lalo at hindi naman umano lahat ng makatizens ay nakatatanggap ng benepisyo mula sa lungsod.

Tiwala ang ibang mamamayan ng Makati na makatatanggap din sila ng parehong benepisyo sa ilalim ng nasabing LGU.

Ilang residente din ang nagsabing dapat respetuhin na lamang ang naging pasya ng Korte Suprema.

Noong Abril 3 ipinalabas ng SC ang final and executory decision sa 30 taong boundary dispute sa pagitan ng Taguig at Makati.

Nagkaroon na ng Entry of Judgment sa kaso at sa ilalim ng court rules, ang desisyon sa isang kaso na naipasok na sa SC Book of Entries of Judgements ay hindi na maaaring iapela o irebisa. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *