MMDA namahagi ng malinis na tubig sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon
Umabot na sa 1,129 na pamilya ang nabigyan ng malinis na tubig sa pamamagitan ng water filtration units ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga komunidad na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Kabilang sa mga napagkalooban ng malinis na inuming tubig ay ang mga sumusunod na lugar sa bayan ng Sto Domingo sa Albay:
– San Andres (Purok 4)
– San Andres (Purok 2)
– Sitio Bical, Salvacion
Ang paghahatid ng MMDA ng tubig sa Albay ay bahagi ng ginagawang relief efforts ng pamahalaan.
Dala ng MMDA team ang 60 units ng solar water filtration system para sa iba pang lugar at evacuation centers sa probinsya kung saan wala o kulang ang suplay ng malinis na tubig na maiinom ng mga residenteng nagsisilikas.
Mananatili ang grupo sa Albay sa loob ng 10 araw para maghatid ng tulong at first-aid kung kinakailangan. (DDC)