MRT-3 may giveaway para sa Father’s Day
May handog na sorpresa ang MRT-3 para sa mga pasaherong ama sa Father’s Day, June 18.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, mamamahagi ng regalo ang kanilang mga kawani sa mga tatay na sasakay sa North Avenue Station, Cubao Station, Shaw Boulevard Station, Ayala Station, at Taft Avenue Station mula 11:00 ng umaga.
Sinabi ni Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino, na ito ang handog ng MRT-3 bilang pagkilala at pasasalamat sa mga haligi ng tahanan.
Para mabigyan ng regalo, kailangang may kasamang anak o miyembro ng pamilya ang isang tatay na sasakay sa mga naturang istasyon. (DDC)