Weekend road reblocking isasagawa ng DPWH
Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa mga sumusunod na kalsada sa Metro Manila simula alas-11:00 ng gabi ng June 16 hanggang June 19.
Ayon sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kabilang sa kukumpunihin ng DPWH ang C-5 Road NB, J. Vargas St. hanggang Eagles St. (3rd lane), Pasig City; EDSA NB, paglampas ng Kalayaan Flyover (3rd lane buhat sa bike lane), Makati City;C-5 Road SB, harapan ng Petron, Makati City; Mindanao Ave. NB, underpass hanggang Uni Oil Gas Station (truck lane), Quezon City; Mindanao Ave. SB, Charbel hanggang Rare Cars (truck lane), Quezon City; A. Bonifacio Ave. NB, corner Sgt. Rivera (3rd lane magmula sa sidewalk), Quezon City; A. Bonifacio Ave. SB, Cloverleaf hanggang 11th Ave. (1st lane mula sa sidewalk), Quezon City; G. Araneta Ave. SB, malapit sa Mauban St. (2nd lane buhat sa sidewalk), Quezon City; Commonwealth Ave. NB, Ilang-Ilang St. hanggang Kristong Hari (3rd at 4th lane magmula sa center), Quezon City; Commonwealth Ave. NB, Diliman Doctors Hospital hanggang Zuzuaregui St. (3rd at 4th lane mula sa center), Quezon City; at Aurora Blvd. EB, bago Gilmore Ave. (1st lane magmula sa sidewalk), Quezon City.
Isasaayos din ang McArthur Highway SB, (S02152LZ)-K0010+(-87) hanggang K0010+25, Malabon City; C-3 Road Northbay NB, harapan ng Navotas Motorpool at intersection, harapan ng Unioil Gasoline Station (truck lane), Caloocan City;C-3 Road EB, sa pagitan ng Baltazar St. at D. Aquino St. (2nd lane buhat sa sidewalk), Caloocan City; C-3 Road SB, sa pagitan ng 4th St. at Dao St. (2nd lane mula sa sidewalk), Caloocan City; EDSA NB, sa pagitan ng Gen. De Jesus St. at Gen. Tirona St. (4th lane magmula sa sidewalk), Caloocan City; McArthur Highway NB, sa pagitan ng Calle Cuatro hanggang harapan ng Sterling Bank (innerlane), Caloocan City; at C-5 Road, kahabaan ng C-5 Road Doña Julia Vargas intersection malapit sa Shell Gasoline Station, kahabaan ng Pasig Blvd. WB malapit sa Universal Robina Corporation, Pasig City.
Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw ng June 19.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. (Bhelle Gamboa)