Unnotified at unregistered na lato-lato dapat kumpiskahin ng LGUs – BAN Toxics

Unnotified at unregistered na lato-lato dapat kumpiskahin ng LGUs – BAN Toxics

Ikinalugod ng toxic watchdog group na BAN Toxics ang pagpapaklabas ng public health warning ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga nauusong laruan na Lato-Lato.

Ang FDA ay nagpalabas ng mga abiso na nagsasaad ng Public Health Warning laban sa pagbili at paggamit ng hindi otorisadong LATO-LATO TOYS.

Ayon sa abiso ng FDA, ang mga unnotified toy at childcare article product ay hindi dumaan sa notification process ng FDA kaya hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan nito.

Sinabi ng FDA na maaaring may banta sa kalusugan at kaligtasan ng publiko ang paggamit nito.

Noong May 23 ay nagpalabas ang BAN Toxics ng public health alert laban sa pagbebenta ng lato-lato toys sa local at online markets.
Ayon sa grupo, lahat ng lato-lato samples na kanilang binili at isinailalim sa screening ay walang proper markings kaya hindi ito pasado sa labeling requirements sa ilalim ng Republic Act 10620 o Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.”

“We laud the Food and Drug Administration for issuing public health warnings against lato-lato toys that will prevent potential danger among children,” ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics.

Sinabi ni Dizon na hinihikayat ng kanilang grupo ang regulatory agencies at local government officials na istriktong ipatupad ang FDA advisories at magsagawa ng monitoring.

Dapat ding kumpiskahin ang mga unnotified at unregistered lato-lato Toys para matiyak na hindi na ito maibebenta sa merkado. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *