China nag-donate ng bigas at iba pang food items sa Pilipinas

China nag-donate ng bigas at iba pang food items sa Pilipinas

Nagbigay ng donasyong bigas at iba pang food items ang bansang China sa Pilipinas.

Tinanggap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary rex Gatchalian ang unang batch ng donasyong bigas at food items mula sa China sa ceremonial turnover sa Pier 15, South Harbor, Manila.

Dumalo sa nasabing seremonya sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Political Commissar of Dalian Naval Academy Rear Admiral Su Yinsheng.

Bahagi ng unang batch ng donasyon ng China ang 502 na sako ng 25-kilogram na bigas, 100 na sako ng 12- kilogram na bigas; 20 boxes ng fast noodles; 20 boxes ng biscuits at 50 boxes ng harina.

Magdaragdag pa ang Chinese government ng 3,600 na sako ng 25-kilogram ng bigas at iba pang food donations. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *