153K food packs tiniyak ng DSWD para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon
Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakapag-dispatch na ng 153,000 food packs para sa 90-araw na suplay sa lalawigan ng Albay.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Marcos na siguruhing tagal ng 90-araw ang relief assistance sa mga evacuees.
Una nang ipinaliwanag ni Gatchalian na ang 15 days-worth ng family food packs (FFPs) ay magmumula sa ahensya.
Habang sa Albay provincial government naman manggagaling ang ang pang-anim na araw.
Pagkatapos ng 21-araw, ang DSWD muli ang magsu-suplay ng food packs para sa susunod na 15-araw. (DDC)