300 na cigarette packets at vape products na nakumpiska sa mga tindahan malapit sa mga paaralan, sinira ng Taguig LGU

300 na cigarette packets at vape products na nakumpiska sa mga tindahan malapit sa mga paaralan, sinira ng Taguig LGU

Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang seremonya ng pagsira sa 300 cigarette packets at vape products na nakumpiska sa mga tindahan sa loob ng 100 na metro mula sa mga eskwelahan at health facilities kasabay ng idinaos na health summit sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan.

“Alam na po natin ang pinsalang dulot ng pagsisigarilyo, hindi na nga lang sa kalusugan, kundi pati na nga sa finances ng pamilya,” sabi ni Mayor Lani.

“Ang nais po ng aking administrasyon dito sa lungsod ng Taguig ay masalamin sa atin ang kahusayan sa implementasyon sa batas na ito,” diin ng alkalde patungkol sa Comprehensive Smoke-Free Ordinance ng Taguig City na ipinatutupad simula noong 2017.

Ang naturang hakbang ay bahagi ng buong araw na summit kasama ang mga sari-sari store owners, kung saan naaayon ito sa temang “Intensifying the Fight Against Smoking and Vaping,” bilang paggunita sa World Health Organization’s World No Tobacco Day at ng Department of Health’s No Smoking Month.

Tinalakay din ang mga probisyon ng Smoke-Free Ordinance sa isinagawang lektura ni Taguig Smoke-Free Task Force Chair Atty. Gregorio Cabanting habang ang Tobacco Control Program, National TB Program at Lifestyle Related Disease ay binigyang importansiya nina TCP Medical Coordinator Dr. Thelma V. Co, NTP Medical Coordinator Dr. Maria Rosario Bieren at LRO Program Medical Coordinator Dr. Jisella Marie Cueto.

Ang mga may-ari ng 250 na sari-sari stores ay nakakuha ng libreng mga serbisyo sa mga inilagay na booths para sa PhilHealth, Nutrition at Urban Gardening. Isang booth naman ang nag-alok ng 3-step assessment para sa pagsusuri ng vital signs, monitoring RBS/cholesterol at assessing health risks habang ang iba pa ay para sa simpleng tobacco intervention service.

Bukod dito, kasama sa ibang mga serbisyo ay ang chest X-rays at electrocardiogram tests; free at confidential HIV at Hepatitis B screening and testing; vaccinations para COVID-19 at flu; at dental services. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *