Libreng Libing program ng Las Piñas LGU nagpapatuloy
Nagtungo sa tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas City ang ilang naulilang pamilya upang idulog ang kanilang kahilingan na mabigyan ng libreng libing ang namayapa nilang mahal sa buhay sa lungsod.
Agad na pinirmahan ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang mga kaukulang dokumento para sa kahilingan ng mga dumulog na residente.
Ang tuluy-tuloy na libreng libing program ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas ay sa inisyatibo nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar katuwang ang tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Layunin ng programa na handugan ng tulong ang mga naulilang pamilya sa lungsod upang pagaanin ang kanilang gastusin at mabigyan ng maayos at libreng libing ang kanilang yumao.
Nagkaloob din si Mayor Mel Aguilar ng personal nitong tulong pinansiyal sa mga naulilang pamilya at ipinaabot
ng alkalde ang kanyang taos-pusong pakikiramay.
Ayon sa alkalde bahagi pa rin ito sa pagkalinga ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng kanyang administrasyon at sa pagpaprayoridad sa kapakanan ng mga Las Piñeros. (Bhelle Gamboa)