Biyahe ng PNR, LRT-1, LRT-2 at MRT-3 nahinto dahil sa naranasang pagyanig sa Metro Manila

Biyahe ng PNR, LRT-1, LRT-2 at MRT-3 nahinto dahil sa naranasang pagyanig sa Metro Manila

Nahinto ang biyahe ng mga tren dahil sa malakas na pagyanig na naramdaman sa Metro Manila.

Nagpalabas ng kani-kanilang abiso ang pamunuan ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR hinggil sa pag-suspinde ng kanilang operasyon matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa Batangas na naramdaman din sa maraming lugar sa Luzon.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Usec. for Rails Cesar Chavez, pinababa ang pasahero ng mga tren para maisailalim sa inspeksyon ang riles at mga pasilidad.

Pasado 11:00 ng umaga nang maibalik ang normal na biyahe sa LRT-1.

Ayon naman sa pamunuan ng MRT-3, simula 11:35 ng umaga ay balik na din ang normal na operasyon ng kanilang mga tren.

Walang naiulat na abnormalities sa mandatory systems check na isinagawa ng mga technical personnel sa buong linya ng MRt-3 matapos ang lindol.

Personal ding ininspeksyon ni Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino ang visual safety checks sa Magallanes Station tracks upang masiguro ang ligtas na pagbabalik operasyon ng linya.

Bago mag 12:00 ng tanghali ay nag-anunsyo din ng balik-operasyon ang LRT-2.

Pagtitiyak ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ligtas at walang anumang structural defects na nakita sa lahat ng istasyon at mga riles ng LRT-2. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *