‘Decongestion’ sa ilang evacuation centers, isasagawa ng Pamahalaang Lokal ng Albay
Nakatakdang magsagawa ng decongestion ang Pamahalaang Lokal ng Albay sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) matapos na maitala ang problema sa ‘proper ventilation’ sa mga inuukupang silid-aralan ng mga pamilyang inilikas.
Ipinag-utos ni Gov. Edcel Lagman na matingnan at mai-assess ang mga tinutuluyang mga evacuation centers para maisaayos ang ‘physical arrangement’ ng mga pamilyang una ng inilikas para maiwasan ang anumang hawaan ng sakit at iba pang problema sa kalusugan lalo na ng mga bata at matatanda.
Kaugnay nito, posibleng madagdagan pa ang mga gusali o mga paaralan na magagamit ng mga evacuees dahil sa nasabing ipapatupad na decongestion.
Makikipag-ugnayan naman si Provincial Health Office (PHO) OIC Dr. Estela Zenit sa mga concerned LGUs na mabigyan ng breathing space ang mga apektadong mga residente at patuloy na sumunod sa minimum health protocols. (DDC)