Pangulong Marcos nagpasalamat sa UAE sa kanilang tulong sa Albay

Pangulong Marcos nagpasalamat sa UAE sa kanilang tulong sa Albay

Personal na ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang pasasalamat sa mga opisyal ng pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) sa kanilang tulong at suporta sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ipinaabot ng pangulo ang pasasalamat kay UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi makaraan itong mag-courtesy call sa kaniya sa Malakanyang.

Ayon sa pangulo, malaking tulong ang 50 metrikong toneladang humanitarian aid na natanggap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga biktima ng bulkan na nasa Alert Level 3 status ngayon.

Nagpahayag din ng suporta kay Pangulong Marcos ang UAE ambassador at sinabing patuloy na makikipagtulungan ang kanilang bansa para sa mga programang pang-kalikasan at pang-ekonomiya ng Pilipinas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *