Kaligtasan sa kapaligiran at matatag na turismo patuloy na isinusulong ng MPT South
Muling binuhay ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ngayong taon ang kanyang “Envirosafe Tour” para sa stakeholders na nagtatampok sa pangakong kaligtasan ng kapaligiran at pagsusulong sa matatag na turismo.
Sa partnership sa Acienda Designer Outlet at Henry’s Cameras, ang toll road company ay sumakay sa exclusive tour kasama ang media partners upang libutin ang kasalukuyang operasyunal at nalalapit na pagbubukas ng bahagi ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX)- ang Silang (Aguinaldo) Interchange o Subsection 4.
Itinatampok ng MPT South ang kanyang dedikasyon sa inobasyon at green technology sa pamamagitan ng energy-efficient equipment sa CALAX.
Ang operational sections ng CALAX feature toll plazas ay gumagamit ng solar panels para makagawa ng kuryente na magagamit sa sariling operasyon.Nagkabit ng LED fixtures sa parehong pagpapailaw at roadway systems, pagpapabuti ng energy efficiency at sustainability measures ng kumpanya.
Patuloy ang MPT South sa kanyang carbon offsetting initiatives kung saan aktibo sa pagtatanim ng mga puno at bumuo ng biodiverse areas sa CALAX para gumaan ang emissions ng kumpanya at mabawasan ang binubugang usok mula sa sasakyan ng mga customer.
Sa naturang tour, ibinida ng toll road company ang mga lugar sa expressway na pinaganda bilang mga green spaces at binisita ang construction site sa Subsection 4 na nasa 80% nang kumpleto upang magbigay ng mahalagang koneksiyon sa Aguinaldo Highway, ang busiest highway sa Cavite para sa mas kumbinyenteng biyahe patungong bayan ng Silang at Tagaytay kung saan lalong mapapadali ang mga turista na maabot ang ‘Instagram-ready’ destinations ng probinsiya.
Sa pamamagitan ng Envirosafe Tour, suportado ng MPT South ang mga lokal na negosyo sa mga komunidad kung saan magmumula sa mga ito ang mga items na iaalok bilang tokens sa mga tour guests.
Kabilang sa mga pagkain mula sa Municipal Economic and Investment Promotions Office (MEIPO) ng Silang na gawa ng MSMEs sa bayan ay crispy mushroom chips, kapeng bigas at plant-based fries. Karagdagan pa rito ang handcrafted handbags na gawa sa resiklo o recycled tarpaulins ng Imus City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
“MPT South recognizes the importance of balancing progress with responsible practices, and we remain committed to implementing initiatives that prioritize sustainability, environmental stewardship, and community well-being. Through this program, we aim to create a positive and lasting impact on the regions we serve, ensuring a better future for all,” sabi ni Mr. Raul L. Ignacio, president at general manager ng MPT South”.
Noong 2021, inanunsyo ng MPT South ang plano nitong i-convert ang CALAX na ‘Green Highway’ bilang bahagi sa pangako ng MPTC na decarbonizing ng transport sector sa Pilipinas. (Bhelle Gamboa)