Donasyon mula UAE natanggap na ng Albay LGU
Dumating na sa Albay Province ang ang mga donasyon na galing sa pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE).
Tinanggap ng Provincial government ng Albay ang 50 metric tons ng food items at mga gamot.
Ito ay donasyon ng gobyerno ng UAE sa mga pamilyang naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Agad namang iniutos ni Albay Governor Edcel “Grex” Lagman ang pag-repack at pamamahagi nito sa mga apektadong pamilya.
Nagpasalamat si Lagman kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr; kay UAE President, Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan; UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi, DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr.; DSWD Secretary Rex Gatchalian; at DOTR Secretary Jaime Bautista. (DDC)