Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 12 kilometers southeast ng Don Marcelino, 2:49 ng madaling araw ng Miyerkules, June 14.
May lalim na 29 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumenta Intensity IV sa Don Marcelino, Davao Occidental at Intensity II sa Jose Abad Santos, Davao Occidental at sa Malungon, Sarangani.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)