Kadiwa sa Pamahalaan ng Las Piñas LGU nagpapatuloy

Kadiwa sa Pamahalaan ng Las Piñas LGU nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang operasyon ng Kadiwa sa Pamahalaan ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Layunin nitong ialok ang tuluy-tuloy na serbisyo sa negosyong pang-agrikultura upang maghatid ng sariwa at masusustansiyang mga produktong pagkain gaya ng gulay,prutas,isda at karne na mabibili sa murang presyo.

Bukod rito, mabibili na rin sa piling Kadiwa ng Las Piñas ang mga sumusunod na bigas mula sa Mindoro:

Dinurado – ₱55 kg
Red rice – ₱75 kg
Brown rice – ₱90 kg
Black rice – ₱90 kg
Sinandomeng – ₱48 kg

Naglabas naman ng schedules ang City Agriculture Office para sa Kadiwa sa Pamahalaan ngayong linggo.

Bukas araw-araw sa Doña Manuela Clubhouse ng alas-6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Sa June 14 (Miyerkules) sa Barangay Hall Covered Court, Heel 5 ng 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Sa June 15 (Huwebes) sa Angela Village Covered Court ng 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Sa June 16 (Biyernes) saLas Pinas City Hall, Alabang Zapote Road ng 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Sa June 17 (Sabado) sa Casimiro Village Phase 2 clubhouse, Brgy. Pamplona 3 ng 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Sa June 18 (Linggo) sa Good Shepherd Parish Church Doña Manuela, Brgy. Pamplona 3 ng 6:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga.

Ayon pa sa City Agriculture Office ang schedule ay maaaring magbago sa mga posibleng kadahilanan ng walang anunsyo.

Para sa mga interesadong mapuntahan ng KADIWA Retail Store, tumawag lamang sa: 02 85195687. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *