Commemorative Independence Day PHLPost Stamps tinanggap ni Pangulong Marcos

Commemorative Independence Day PHLPost Stamps tinanggap ni Pangulong Marcos

Personal na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula kay Postmaster General Luis D. Carlos ang commemorative Stamp Frame para sa paggunita ng 125th Anniversary ng Philippine Independence Day.

Tampok sa commemorative stamp ang dalawang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng kalayaan ng bansa.

Ito ay ang pagtahi sa Philippine Flag nina Marcela at Lorenza Agoncillo, at si Delfina Herbosa Natividad sa Hong Kong, at noong iproklama ni Emilio Aguinaldo ang Philippine Independence sa Kawit, Cavite.

Nag-imprenta ang PHLPost ng 40,000 copies ng nasabing stamp na ibebenta sa halagang P16.

Simula June 13, 2023, ay inumpisahan na ng PHLPost ang pagbebenta sa nasabing stamps sa SM Manila Postal Counter. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *