18 BuCor personnel na pumigil sa pag-atake ng ASG sa bilangguan, pinarangalan
Aabot sa 18 na tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) kasabay ng selebrasyon ng ika-125 na taon ng Araw ng Kasarinlan na idinaos sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Iginawad ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang sertipiko ng komendasyon para sa 18 BuCor personnel bilang bahagi ng ahensya sa pagdiriwang ng kapayaan at kalayaan ng ating bayan.
Inihayag ng BuCor chief na na naging instrumento ang mga tauhan ng ahensiya para mapigilan ang tangkang paglusob at paghasik ng kaguluhan ng bandidong Abu Sayaff Group sa bilangguan sa Zamboanga City noong Pebrero 2023.
Ayon sa ulat ni Catapang noong Pebrero 13 bandang 6:50 ng gabi nang makataanggap ang BuCor personnel ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source kaugnay ng pagpaplano ng malawakang pagpuga o pagtakas ng mga Muslim PDL sa tulong ng ASG.
Ayon pa sa opisyal ang nasabing plano ay nagsimula noong Nobyembre 2022 sa pamamagitan ng messenger account ng PDL na si Sahid Alip kung saan nagrecruit ng iba pang PDL na sumama sa kanya.
Sinabi pa ni Catapang na ibinunyag ng impormante na isasagawa ang diversionary tactics ng tuluy-tuloy na mga pambobomba sa Zamboanga City para irescue ang mga PDL sa San Ramon Prison an d Penal Farm (SRPPF) gamit ang dalawang motorized sea craft dahilan upang ikasa ng mga opisyal ng SPRRP ang red alert status sa loob ng bilangguan.
Agad na ipinabatid ang impormasyon sa PNP Region 9 at ng mga local government units para sa pinagsama-samang mga hakbang upang mabigyang seguridad ang SRPPF
“Imagine if this was not discovered by our personnel, “ Catapang said. This is the reason why the BuCor gave commendations to Supt. Vic Domingo F. Suyat, Superintendent of SRPPF, Roberto Veneracion, Director for Security Operation, C/SINSP Julius Pareja, Asst Regional Supt. for Security and Operations, CS4 Allan Macaso, CO3 Alvin Albarracin, CO3 Silverio Garcia and CO1 Jonathan Paingan,”ani Catapang.
Bukod dito ginawaran din ng parangal sina CO2 Samarijohn Glores, CO2 Eherson G. Feria, CO2 Lazaro Rafols, Jr., at CO2 Ritchie Canja,pawang nakatalaga sa Maximum Security Compound (MaxSeCom) NBP para sa pagkakahuli sa 26 na tumakas na PDLs sa ikinasang manhunt operations magmula Hunyo 2022 hanggang Enero 2023, pagkakaaresto ng apat pang pumugang PDLs sa manhunt operation noong Setyembre 2022 hanggang Enero 2023.
Binigyan din ng pagkilala sa mahusay na pagganap sa tungkulin sina CO2 Jer Sajid Mojado , CO1 Wency Gapulao, CO1 Jeson Otchia, CO1 Rouniel Magbanua, Leonardo Torralba, K9 handler; CO1 Cabarrubias at CO1 Dibert Cursod, na nakadestino sa Gate 4- NBP MaxSeCom at Inmates Visitation and Services Unit dahil sa pagkakakumpiska ng mga kontrabando na tangkang ipasok sa loob ng NBP.
Samantala, inihayag naman ni J/SInsp Angelina L. Bautista (Ret.) OIC-Deputy Director General for Operations and ODG-Head Ecutive Assistant na magpapatupad sila ng “Oplan Bilis Laya” na naglalayong pabilisin ang pagpapalaya ng PDLS na naabsuwelto na ng korte na hindi lamang makatutulong na resolbahin ang siksikan sa prison and penal farms kundi iwasto rin ang hindi makatarungang sinapit ng PDLs dahil sa pagkaantala ng kanilang paglaya.
Aniya ito ay bilang tugon sa marching order ni Justice Secretary Crispin Remulla na “justice delayed is justice denied”.
Ipinag-utos din ni Bautista ang accounting ng overstaying PDL sa NBP kasunod ng pagkakadisubre na isang PDL rito na dapat nakalaya na ng mahigit isang taon subalit nananatiling nakakulong sa bilangguan dahil sa simpleng rason na hindi napansin ng mga NBP personnel ang kanyang mga dokumento.
“I want to know if there are similar cases like this, so we can rectify this. Things like this should not happen under our watch,” dugtong ni Bautista. (Bhelle Gamboa)