Lava flow mula sa bulkang Mayon umabot sa isang libong metro ang layo ayon sa Phivolcs
Umabot sa 800 hanggang 1,000 meters ang layo ng ibinugang lava flow ng bulkang Mayon simula kagabi hanggang kaninang madaling araw.
Base ito sa monitoring ng Mayon Volcano Observatory ng Phivolcs.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang lava flow mula sa summit crater ng bulkan, 10:56 ng gabi ng Lunes (June 12) at 12:03 ng madaling araw ng Martes (June 13).
Sa kabila ng delikadong lagay ng bulkan bunsod ng pag-aalburuto nito, maraming turista ang nagtutungo sa Albay para makita ang Mayon.
Nagtakda ang pamahalaang panlalawigan ng Albay ng mga lugar para sa “safe viewing” sa Mayon Volcano.
Ang mga lugar ay sa Legazpi City, Daraga Albay, Camalig Albay, at sa Ligao City. (DDC)