10,000 alagang hayop inilikas sa mga lugar na apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon
Sinimulan na ng Provincial Government ng Albay ang paglilikas sa libu-libong mga alagang hayop mula sa 41 mga barangay na nasa loob ng 6-kilometer permanent danger zone (PDZ) ng bulkang Volcano.
Ayon kay Albay Provincial Veterinarian Dr. Pancho Mella, gumawa na ng hakbang ang Mayon Eruption Animal Response Team para sa paglilikas sa 10,000 alagang hayop.
Sila ay dinala sa designated pooling sites o feeding camps.
Ang mga inilikas na hayop ay pawang mula sa mga barangays sa Sto. Domingo, Daraga, Guinobatan, Camalig, Maliliipot, Ligao City, Tabaco City, at Legazpi City.
Ayon kay Mella, kailingang mailikas ang lahat ng alagang hayop na nasa 6-km PDZ. (DDC)