Pagdiriwang ng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan pinangunahan ni Pang. Marcos

Pagdiriwang ng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan pinangunahan ni Pang. Marcos

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng “Philippine Independence and Nationhood” sa Quirino Grandstand, Rizal Park sa Maynila.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.”

Sa kaniyang mensahe, inihayag ng pangulo na isang karangalan ang tumayo bilang kinatawan ng bansa upang ipagdiwang ang tagumpay ng mga bayaning Pilipino na nakipaglaban para sa ating kalayaan.

Binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng diwa ng pagkakaisa para matugunan ang kahirapan, kakulangan sa pang-ekonomiyang oportunidad, pagpapabuti ng pamumuhay ng bawat Pilipino, hindi pagkakapantay-pantay, at pagtulong sa mga nangangailangan.

Pagkatapos ng kaniyang talumpati, nakibahagi rin ang pangulo sa “Parada ng Kalayaan” na isang civic at military parade kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan, mga miyembro ng uniformed services, at iba pang stakeholders. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *