UAE govt. nagbigay ng 50 tonelada ng food items at mga gamot para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon

UAE govt. nagbigay ng 50 tonelada ng food items at mga gamot para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon

Nagbigay ng tulong ang pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Personal na tinanggap nina Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Transportation (DoTr) Secretary Jaime Bautista, at Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang donasyon mula UAE ng dumating sa NAIA umaga ng Lunes (June 12) lulan ng Etihad Airways.

Ito ay binubuo ng 50 tonelada ng mga food items at mga gamot para sa mga apektadong pamilya.

Iniutos ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, ang pagpapadala ng humanitarian aid a Pilipinas kasunod na rin ng kahilingan ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi.

Nagpasalamat naman si Gatchalian sa UAE government sa kanilang pagpapadala ng humanitarian aid.

Tiniyak naman ni Gatchalian na sa Miyerkules (June 14) ay agad maipadala ang nasabing mga tulong sa Albay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *