Mahigit 14,000 katao apektado ng pag-aaburuto ng bulkang Mayon – NDRRMC
Umabot na sa mahigit 14,000 na katao ang naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apektado ng pag-aalburuto ng bulkan ang 21 barangay mula sa 6 na mga munisipalidad at lungsod.
Sa mahigit 14,300 na apektadong indibidwal, mahigit 13,700 na katao ang nasa mga evacuation center.
Kabilang sa mga apektadong pamilya ay pawang mula sa Camalig, Ligao, Daraga, Guinobatan, Malilipot, at Tabaco. (DDC)