Modern firepower ng AFP ibibida sa isasagawa ng marquee parade sa Araw ng Kalayaan
Makikiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Sa isasagawang marquee parade, ibibida ng AFP ang kanilang modern firepower at assets.
Ang apat na ground-based air defense systems surface-to-air missiles at dalawang Autonomous Truck-Mounted Howitzer System 155mm self-propelled artillery ay ipakikita sa isasagawang civic-military parade.
Habang ibibida din ang dalawang A-29B Super Tucano, isang AH-1S Cobra attack helicopter, dalawang Blackhawks, at dalawang AW-109 naval helicopters.
Kabuuang 34 na motorized/mechanized assets ang lalahok sa division-size marching troops habang 26 na aircraft ang magiging bahagi ng fly-by contingent. (DDC)