DSWD patuloy sa pagsu-suplay ng Family Food Packs sa mga apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon

DSWD patuloy sa pagsu-suplay ng Family Food Packs sa mga apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon

Patuloy ang paghahatid ng Family Food Packs (FFPs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga munisipalidad sa Albay na apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Araw ng Linggo (June 11) isinakay sa mga delivery truck ang mga food packs na dadalhin sa mga bayan ng Camalig, Malilipot, at Guinobatan at sa mga lungsod ng Daraga at Tabaco.

Noong Sabado bumiyahe din patungong Albay ang anim na truck na naglalaman ng relief supplies.

Tiniyak ng DSWD na patuloy ang pag-monitor ng kanilang Field Office sa Region V sa mga apektadong pamilya.

Kabilang sa inaalam ng DSWD ang pangunahing pangangailangan sa loob ng mga evacuation center.

Namamahagi din ang DSWD ng hygiene at sleeping kits sa mga apektadong pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *