Mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon isasailalim sa livelihood training program habang nasa mga evacuation centers

Mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon isasailalim sa livelihood training program habang nasa mga evacuation centers

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Pamahalaang Lokal ng Albay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa posibleng trainings na maaring ibigay sa mga pamilyang nananatili ngayon sa mga evacuation centers sa Albay.

Ang nasabing hakbang ay bahagi lamang ng paghahanda ng lalawigan sakaling tumagal pa ang pagpapakita ng abnormalidad ng bulkang Mayon.

Ayon kay Governor Atty. Edcel Greco A.B. Lagman, malaking tulong at karanasan ang posibleng maibigay na mga livelihood trainings sa mga kababaihan o mga kabataan na una nang inilikas mula sa six-kilometer permanent danger zone (PDZ).

Aniya, magandang pagkakataon ito para mas madagdagan pa ang kaalaman ng mga sasailalim sa nasabing livelihood training na maari nilang mapakinabangan hanggang sa makabalik sila sa kani-kanilang mga tahanan.

Kabilang sa maaring training na ibigay ng TESDA at PGA ay ang manicure, pedicure, massage at bread-making.

Matatandaan na sa mga nakalipas na pag-alboruto ng bulkan, inabot ng 45 hanggang 90 araw ang libo-libong mga pamilya sa mga evacuation centers sa lalawigan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *