5,000 magsasaka apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon
Umabot na sa 5,000 ang bilang ng mga magsasakang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ang nasabing bilang ay mula sa six kilometer permanent danger zone (PDZ) sa palibot ng bulkan.
Sa ulat ng Albay Provincial Information Office, sinabi ni Provincial Agriculturist Cheryl O. Rebeta na patuloy ang kanilang ginagawang inventory sa mga munisipyo para sa iba pang mga apektadong mga magsasaka at posibleng tulong na maibigay sa kanila.
Samantala, abala na rin ang kanilang opisina para sa gagawing rehabilitation plan na siyang isusumite para sa posibleng suporta mula sa Department of Agriculture (DA).
Anya, kailangan na maihanda ang anuman tulong sa mga magsasaka dahil malaking bahagi ng mga sakahan at taniman ng gulay ang maaring maapektuhan sakaling tuluyang sumabog ang bulkan. (DDC)