Band aid ginamit sa bentahan ng iligal na droga sa Pasay

Band aid ginamit sa bentahan ng iligal na droga sa Pasay

Nabuking ng otoridad ang kakaibang gimik ng apat na drug suspects matapos gamitin ang band aid upang isilid ang umano’y shabu sa bentahan ng iligal na droga sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ma Elena Sadie y Cortez,alyas Rara; Melvin Lactao y Mapindan; Manolo Cruz y MaƱaz; at Rolando Breton y Leonor.

Isinagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa 204 E, P Santos St.,Brgy. 167, Zone 18, Pasay City nitong June 9, na ikinaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska ang 51.1 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P34,680 at buy-bust money.

Inihahanda na ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *