Isa patay sa engkwentro sa Makati

Isa patay sa engkwentro sa Makati

Patay ang isang pinaghihinalaang holdaper matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Makati City.

Iniulat ni Southern Police District (SPD) Chief, Brigadier General Kirby John Brion Kraft na binawian ng buhay sa Ospital ng Makati ang suspek na si James Aviles, alyas James Pogi, at residente sa Oro B Sta. Ana, Manila, sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan.

Naganap ang enkwentro sa P. Burgos St., malapit sa panulukan ng Kalayaan Avenue, Barangay Poblacion sa lungsod dakong alas-10:55 ng gabi ng June 9, na nagresulta ng pagkamatay ng suspek.

Ayon sa report, sangkot umano ang suspek sa serye ng holdapan sa lugar kung saan namataan si Aviles na sakay ng motorsiklo na may takip ang plaka ng kanyang sinasakyan.

Nang lapitan siya ng mga pulis ay bigla umanong tumakas ang suspek kaya hinabol at nakorner sa lugar.

Nang tangkaing arestuhin si Aviles ay bumunot umano siya ng baril at binaril ang mga pulis kaya napilitan silang magpaputok na minalas mapuruhan ang suspek.

Narekober ang apat na basyo ng bala mula sa 9mm pistol sa pinangyarihan ng insidente na isinasailalim na rin sa cross matching examination upang matukoy kung nagamit ito sa sa ibang krimen.

Nadiskubre rin ng otoridad na si Aviles ay sangkot sa murder case na nakasampa sa Makati Prosecutor’s Office nitong May 26, 2023 at mayroon pang ilang outstanding warrants of arrest na kinakaharap ang suspek.

“isang malungkot na pangyayari. Sa kabila nito, ang kapulisan ay kinakailangang ipatupad ang nararapat sa sitwasyon upang panatilihing maayos at ligtas ang pamayanan,” ayon kay NCRPO Regional Director MGen Edgar Alan Okubo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *