Rocket debris natagpuan sa karagatan ng Morong, Bataan
Na-recover ng mga otoridad ang debris mula sa isang rocket sa Morong, Bataan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang malaking metal object ay natagpuan ng isang mangingisda na palutang-lutang sa Napot Point, Brgy. Nagbalayong sa bayan ng Morong.
Hinatak ng mga mangingisda ang nasabing metal object gamit ang kanilang motorized fishing banca hanggang sa madala ito sa baybayin ng Sitio Samuyao, Brgy. Mabayo sa parehong bayan.
Ang debris ay mayroong nakasulat na Chinese character.
Nasa pag-iingat ng Coast Guard Station Bataan ang debris para maisailalim sa imbestigasyon at proper disposition. (DDC)