Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho bumaba noong Abril 2023

Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho bumaba noong Abril 2023

Nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong April 2023.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala 2.26 million na walang trabaho noong April 2023 na kumakatawan sa 4.5 percent unemployment rate.

Mas mababa ito kumpara sa 2.76 million noong April 2022.

Ayon kay National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa, tumaas naman ang bilang ng mga Pinoy na may trabaho sa 48.06 million noong Abril 2023.

Ito ay kumakatawan sa 95.5 percent na employment rate at mas mataas kumpara sa 45.63 million noong April 2022.

Ayon sa PSA, ang services sector ang nananatiling may pinakamataas na bahagi ng employed persons, kasunod ang agriculture at industry sectors. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *