Accomplishments sa unang taon ng Marcos admin, tatalakayin sa SONA
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayan na tatalakayin niya sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang mga accomplishments sa unang taon ng kaniyang administrasyon.
Kasama ding iuulat ng pangulo ang mga programa at iba pang mga plano para sa bansa.
Ayon sa pangulo, sesentro ang SONA sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, mga nangyari sa nagdaang taon at ano ang inaasahan sa mga susunod pang taon.
“Like any SONA, it will be a report to the nation as to what the situation has been, what happened in the last year since the last SONA, where we are now, what we have managed to do, and where we still have work to do. That is essentially the template that we’re going to use,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ayon sa pangulo magbibigay siya ng update sa mga bagay na kaniyang nabanggit sa unang SONA.
Ang ikalawang SONA ng pangulo ay gaganapin sa July 24.
Ayon sa pangulo nagpapatuloy na ngayon ang paghahanda para sa nasabing aktibidad. (DDC)