Preemptive at mandatory evacuation sa mga apektadong barangay sa palibot ng Mt. Mayon inumpisahan na
Sinimulan na ng mga lokal na pamahalaan sa Albay ang paglikas sa mga residenteng apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) research division chief Eugene Escobar tinatayang aabot sa 2,640 na mga pamilya o 10,578 na mga indibidwal na nasa loob ng six-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkang Mayon ang inilikas umaga ng Biyernes (June 9).
Sa sandaling itaas pa sa Alert Level ang estado ng bulkan, karagdagan na 4,416 na mga pamilya o 16,298 na indibidwal pa ang maaaring ilikas mula sa extended seven-kilometer danger zone.
Una nang sinabi ng Phivolcs na posible pang itaas sa Alert Level 4 ang estado ng bulkan. (DDC)