Davao de Oro niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Davao De Oro.
Ang epicenter ng lindol ay naitala ng Phivolcs sa layong 3 kilometers northeast ng Compostela, 8:30 ng umaga ng Biyernes (June 9).
May lalim na 22 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV:
– New Bataan, DAVAO DE ORO
Intensity III:
– Nabunturan, DAVAO DE ORO
Intensity II:
– Maco and Laak, DAVAO DE ORO
Intensity I:
– City of Mati, DAVAO ORIENTAL
Hindi naman inaasahang magdudulot ng aftershock ang lindol. (DDC)