Typhoon Chedeng napanatili ang lakas; lalabas ng bansa sa Lunes

Typhoon Chedeng napanatili ang lakas; lalabas ng bansa sa Lunes

Napanatili ng Typhoon Chedeng ang lakas nito habang nasa karagatan ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 875 kilometers east ng Central Luzon o 910 kilometers East ng Northern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers oer hour sa direksyong northwest.

Ayon sa PAGASA sa susunod na 3 hanggang 5 araw ay walang direktang epekto ang bagyo saanmang panig bansa.

Gayunman, ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot na ng pag-ulan sa ilang lugar sa bansa.

Ngayong araw, makararanas ng pag-ulan sa Visayas, Romblon, Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan kabilang ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands, Surigao del Norte, Dinagat Islands, at Camiguin.

Bukas ay makararanas pa rin ng pag-ulan sa Visayas, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Camiguin, at Dinagat Islands.

Ayon sa PAGASA posibleng lumakas pa ang bagyo pero mananatili ito sa typhoon category.
Sa Lunes inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *