Las Piñas LGU nagsagawa ng family planning caravan

Las Piñas LGU nagsagawa ng family planning caravan

Nag-organisa ang Pamahalaang Lokal ng Las Piñas sa pangangasiwa ng City Health Office ng isang family planning caravan sa Almanza Uno Covered Court Barangay Almanza Uno upang iangat ang kamalayan ng residente tungkol sa mga pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya at isulong ang pagiging responsableng magulang sa komunidad.

Tampok sa naturang caravan ang informative lectures na isinagawa ng healthcare professionals mula sa CHO upang bigyan ng mahahalagang pananaw at mga family planning techniques na importante sa pagbuo ng desisyon sa laki ng pamilya at maging ng espasyo sa mga pagbubuntis.

Ang mga lumahok sa caravan ay nakatanggap mula sa CHO ng libreng contraceptives gaya ng condoms, birth control pills, at injectable contraceptives na naglalayong tulungan ang mag-asawa na magkaroon ng kinakailangang paraan at kaalaman upang makamit ng responsable ang kanilang karapatang pangproduktibo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *