Resulta sa food at water samples hinihintay pa ng Taguig LGU

Resulta sa food at water samples hinihintay pa ng Taguig LGU

Hinihintay pa ng Taguig City Government ang resulta ng mga nakolektang food at water samples na umano’y posibleng nakalason sa 45 na residente sa lungsod.

Patuloy ang pagtulong ng Taguig LGU sa mga apektadong residente ng Barangay Upper Bicutan na nakaranas ng sintomas ng food poisoning sa nasabing barangay.

Pito na ang nakalabas sa mga pagamutan (4 sa TPDH at 3 sa ibang ospital) habang 22 ang pinauwi na mula sa treatment area sa Incident Command Post ng lungsod sa barangay.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) ng City Health Office sa nasabing food poisoning incident.

“We conducted food traceback and an environmental survey to assess sanitation standards. We will discuss our findings with our City Health Office for recommendation and action,” ayon kay CEDSU head Dr. Jun Sy.

Ang mga samples naman ng pagkain ay ipapadala for testing sa ahensya na ibibigay ng Department of Health.

Samantala, ang Sanitation Team ng lugsod ay pinuntahan at kinuhanan ng water sample and bahay ng vendor, ilang pasyente na nakaramdam ng sintomas, talipapa, at maging ang malapit na paaralan sa barangay. Dinala na rin ang samples para sa immediate microbiological testing.

Lahat ng posibleng tulong ay ibinibigay ng lungsod sa mga pasyente na nananatili sa TPDH at nakikipag-ugnayan sa mga pasyenteng nasa ibang pagamutan.

May medical team din mula sa City Health Office na umikot sa lahat ng nakauwing pasyente upang tingnan ang kanilang kalagayan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *