Quarrying activities sa paligid ng Bulkang Mayon sinuspinde muna

Quarrying activities sa paligid ng Bulkang Mayon sinuspinde muna

Iniutos ni Camalig, Albay Mayor Carlos Irwin Baldo ang pagsuspinde sa quarrying activities sa 7km permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Mayon.

Kasunod ito ng pagtaas ng Phivolcs ng Alert Level 3 sa bulkan.

Ayon sa kautusan ni Baldo, suspendido muna ang quarrying activities sa 7 KM Permanent Danger Zone at 7 KM Extended Danger Zone.

Inatasan ang Camalig Municipal Environment and Natural Resources Office na mahigpit na ipatupad ang kautusan.

Samantala, ipinag-utos din ni Baldo ang pagsuspinde ng klase sa Tumpa Elementary School, Quirangay Elementary School at Cabangan Elementary School. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *