BI nagpaliwanag sa nararanasang overcrowding at mahabang pila sa immigration departure area sa NAIA T3

BI nagpaliwanag sa nararanasang overcrowding at mahabang pila sa immigration departure area sa NAIA T3

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na sapat ang kanilang tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ito ay sa kabila ng mga napaulat na overcrowding at mahabang pila ng mga pasahero sa immigration departure area.

Sa pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na nagdagdag na sila ng bilag ng mga BI officers sa NAIA.

Gayunman, hindi pa rin aniya maiiwasan ang mahabang pila ng mga pasahero bunsod ng ilang kadahilanan kabilang na ang paglipad ng ilang airlines ng kanilang operasyon sa Terminal 3.

Sinabi ni Tansingco na kabilang sa mga lumilat sa Terminal 3 ay ang China Southern Airlines, Gulf Air, Jeju Air, Thai Airways, Ethiopian Airlines, Jetstar, Starlux, at Scoot na nagresulta sa 10-percent na pagtaas ng average number ng mga pasahero na araw-araw na umaalis sa NAIA 3.

Isa rin sa dahilan ng overcorwding sa NAIA 3 ang limitadong espasyo, flight delays at diversions dahil sa masamang panahon at kapag may itinataas na lighting alerts.

Tiniyak ng BI na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Manila International Airport Authority (MIAA) para mahanapan ng solusyon ang problema sa overcrowding sa immigration areas sa NAIA.

Kabilang dito ang pagdaragdag ng BI counters at pagpapalawak sa espasyo sa departure area.

Ani Tansingco, 99 immigration officers din ang nakatakdang ilipat sa NAIA terminals 1 at 3 simula sa June 16. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *