BREAKING: Alert Level 3 itinaas ng Phivolcs sa Bulkang Mayon
Itinaas pa sa Alert Level 3 ng Phivolcs ang alerto sa Bulkang Mayon.
Ayon sa Phivolcs, simula noong June 5 ay patuloy ang naitatalang rockfall events sa bulkan.
Simula June 5 hanggang June 8 ay umabot na sa 267 ang naitalang rockfall events at 2 volcanic earthquake.
Ayon sa Phivolcs, mataas ang tsansa na magkaroon ng lava flow at hazardous na pyroclastic density current (PDC) events ang bulkan.
Dahil dito, inirekomenda na ng Phivolcs ang paglilikas sa gma naninirahan sa 6-km permanent danger zone (PDZ).
Inabisuhan din ang Civil Aviation authorities na maglabas ng abiso sa mga piloto para iwasan ang paglipad ng eroplano malapit sa summit ng Mt. Mayon. (DDC)