Denver Nuggets wagi sa Game 3 ng NBA finals; Nikola Jokic gumawa ng rekord sa kasaysayan ng NBA Finals
Lamang na sa best-of-seven series ng NBA finals ang Denver Nuggets makaraang talunin sa Game 3 ang Miami Heat.
Nagwagi ang Nuggets laban sa Heat sa score na 109 – 94 dahilan para maitala ng Nuggets ang 2-1 lead sa serye.
Gumawa naman ng kasaysayan si Nikola Jokic bilang kauna-unahang player sa NBA history na nakapagtala ng 30+points, 20+ rebounds, at 10+ assists sa Finals game.
Nakapagtala si Jokic ng 32 points, 21 rebounds, at 10 assists.
Ito na ang ika-sampung triple-double ni Jokic sa kasalukuyang NBA playoffs. (DDC)