Lote na pag-aari ng GSIS ipagagamit sa MMDA para sa itatayong Motorcycle Riding Academy

Lote na pag-aari ng GSIS ipagagamit sa MMDA para sa itatayong Motorcycle Riding Academy

Lumagda sa kasunduan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa lugar na pagtatayuan ng Motorcycle Riding Academy sa Pasig City.

Pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) sina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at GSIS President and General Manager Jose Arnulfo Veloso para payagan ang MMDA na gamitin ang 5,977-square meter na bakanteng lote ng GSIS sa Julia Vargas kanto ng Meralco Ave., Barangay Ugong sa Pasig sa loob ng isang taon.

Sa itatayong academy, bibigyan ang mga motorcycle rider ng basic training sa pagmamaneho ng motosiklo at ituturo ang pagsunod sa road at traffic rules.

Sa datos ng MMDA Traffic Engineering Center, hanggang noong May 22, mayroong 174,934 na motorsiklo ang bumabaybay sa EDSA o katumbas ng 58.79% na pagtaas mula sa 110,167 lamang noong pre-pandemic period.

Nakikipag-ugnayan din ang MMDA sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa certificates na ibibigay sa mga rider na sasailalim sa training.

Habang hihilingin ng ahensya sa motorcycle ride-hailing services na Grab at Angkas na iprayoridad na mabigyan ng trabaho ang mga rider na nakatapos ng kurso.

Nakatakdang buksan ang Motorcycle Riding Academy sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *